SAN ISIDRO, Nueva Ecija - Labing-anim na tama ng bala ang ikinasawi ng isang 48-anyos na presidente ng Association of Barangay Captains (ABC), habang nasawi rin ang kanyang driver, makaraang tambangan sila ng mga hindi nakilalang armado, nitong Linggo ng gabi.
Sa ulat ng San Isidro Police kay Nueva Ecija Police Provincial Office director, Senior Senior Supt. Antonio C. Yarra, kinilala ang mga nasawi na sina Joel Vinuya, pangulo ng ABC at chairman ng Barangay Bagong Silang, Cabiao; at Ronaldo Caingat, driver at kalugar ni Vinuya.
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 11:00 ng gabi at pauwi na ang mga biktima sakay sa motorsiklo galing sa sabungan nang pagbabarilin sila ng mga sakay sa isang pick-up truck na hindi naplakahan.
Kaagad namang naglaan ng P100,000 pabuya si Cabiao Mayor Ramil Rivera para sa makapagbibigay ng impormasyon sa agarang ikalulutas ng krimen. (Light A. Nolasco)