Tatlong holdaper ang napatay sa magkahiwalay na lugar.

Nabaril at napatay ng mga pulis ang isa sa dalawang holdaper na bumiktima sa mga pasahero ng jeep sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing suspek na si Jonas Santa Iglesia, 40, ng Remy Street, Pasay City, na nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang nakatakas naman ang kanyang kasama na nagmaneho ng motorsiklong walang plaka.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa inisyal na ulat na natanggap ni Makati City Police chief Senior Supt. Milo Pagtalunan, dakong 3:20 ng madaling araw nangyari ang insidente sa Metropolitan, Bgy. Bel-Air ng nasabing lungsod.

Bago ang insidente, nagpanggap na pasahero si Santa Iglesia at nagdeklara ng hold up sa southbound lane ng Bgy. San Lorenzo Village, bandang 1:20 ng madaling araw.

Mabilis nitong nilimas ang mga personal na gamit ng mga pasahero sa jeep at sumakay sa nakabuntot na motorsiklo.

Agad nakahingi ng tulong ang mga biktima sa mga awtoridad na nagkasa ng dragnet operation laban sa papatakas na mga suspek.

Nang masakote, pinaputukan umano ng mga suspek ang mga pulis kaya napilitang magpaputok ang mga awtoridad hanggang sa duguang bumagsak si Santa Iglesia.

Samantala, sa Quezon City, napatay ang dalawang holdaper na nambiktima ng call canter agent makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad.

Inilarawan ang mga suspek na miyembro umano ng “Bahala Na” at “Sputnik” gang, nasa edad 30 at 35, 5’6” at 5’5” ang taas.

Kinilala naman ang biktima na si Benny Paul Santos, 20, call center agent at nakatira sa Quezon City.

Ayon kay Santos, dakong 12:30 ng madaling araw, naglalakad siya sa Road 20 Ext. sa Bgy. Bahay Toro, Quezon City nang sumulpot ang mga suspek at tinutukan siya ng baril sabay deklara ng holdap.

Nagkataon naman na may rumurondang mobile patrol at sinita ang dalawang suspek.

Ngunit sa halip na tumalima ay pinaputukan pa ang mga pulis na hindi naman nagpatumpik-tumpik at pinaputukan ang mga suspek. (Bella Gamotea at Jun Fabon)