DAVOS, Switzerland (Reuters/AP) – Walong indibiduwal lamang – pawang lalaki -- ang nagmamay-ari ng kalahati ng yaman ng mundo, sinabi ng anti-poverty organization na Oxfam sa isang ulat noong Lunes.

Sa pagtitipon ng decision makers at maraming super-rich sa World Economic Forum (WEF) annual meeting sa Davos ngayong linggo, iprinisinta ng Oxfam ang findings nito na ang agwat ng mayayaman at mahihirap ay mas lumawak ngayon kasya mga nakalipas.

Habang maraming manggagawa ang halos hindi na makaahon sa kahirapan dahil sa kakarampot na suweldo, nadadagdagan naman ang kayamanan ng super-rich ng 11 porsiyento kada taon simula 2009, ayon sa Oxfam.

“It is obscene for so much wealth to be held in the hands of so few when 1 in 10 people survive on less than $2 a day,” sabi ni Winnie Byanyima, executive director ng Oxfam International, na dadalo sa pagpupulong sa Davos.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Inequality is trapping hundreds of millions in poverty; it is fracturing our societies and undermining democracy.”

Si Bill Gates, ang world’s richest man na regular sa Davos, ay nadagdagan ang yaman ng 50% o $25 billion simula nang ihayag ang mga planong aalis sa Microsoft noong 2006, sa kabila ng pamimigay niya ng kanyang kayamanan.

Ibinatay ng Oxfam ang mga kalkula nito sa data mula sa Swiss bank Credit Suisse at Forbes. Ang walong indibiduwal na pinangalanan sa ulat ay sina Bill Gates, Inditex founder Amancio Ortega, veteran investor Warren Buffett, Carlos Slim ng Mexico, Amazon boss Jeff Bezos, Facebook founder Mark Zuckerberg, Larry Ellison ng Oracle at dating New York City mayor Michael Bloomberg.