HAWAII – Hindi na nakabawi si Pinoy golf star Miguel Tabuena sa naiskor na 72 sa final round ng PGA Tour’s Sony Open nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Naisalpak ng Philippine Open champion ang tatlong sunod na birdie, ngunit nabigo siyang sustenihan ang ratsada matapos makadikit sa limang stroke mula sa lider sa Wialae.

Nadagdagan niya ng dalawang birdie sa back-nine ng layout, subalit nagtamo siya ng dalawang bogey para sa kabuuang four-under 276 at makisosyo sa ika-64 puwesto.

Nangunguna sa money list ng Philippine Golf Tour, impresibo ang unang dalawang round ni Tabuena sa natipang 67 at 65.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ratsada naman si Justin Thomas sa naiskor na 65 at bagong record sa PGA kasunod para sa pitong stroke na bentahe kay Justin Rose, umiskor ng final round 64.