PINABULAANAN ni Department of Tourism Undersecretary Kat de Castro ang kumakalat na balitang si Bruno Mars ang haharana sa 89 candidates na kasali sa 65th Miss Universe Beauty Pageant.

Pahayag ni Kat sa interview ng DZMM sa kanya nitong nakaraang Linggo na hindi ang sinasabing hinuhulaan ng mga kababayan natin ang magpe-perform sa coronation ng 65th Miss Universe sa MOA Arena sa Enero 30.

“Meron siyang world tour pero kung si Bruno Mars lang, he really wanted to come. It’s just that his agent kept on reminding him that he has to have proper rehearsals for the world tour,” sabi ni Kat.

Last November, nabanggit ni DOT Secretary Wanda Teo na ang magiging guest performer sa event ay famous artist na may Filipino roots. Kaya marami ang nag-assume si Bruno Mars ito.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Gayunpaman, kinumpirma ni Kat na mayroon ngang international artists na magpe-perform sa show pero hindi pa niya pinangalanan ang mga ito.

“International standards tayo. Hindi pa puwede (i-reveal) kasi gusto ng Miss Universe sila (ang mag-a-announce). I can assure you naman this is a show that not only the Filipinos will enjoy but even the whole world, kasi ‘yung mga darating na performers, kumbaga kilalang-kilala ‘yung mga kanta nila.

“We are expecting one group and one singer,” sabi niya.

Dagdag pa ni Kat, ia-announce ng Miss Universe Organization kung sinu-sino ang performers at judges pagkatapos ng courtesy call ng Miss Universe contestants kay Presidente Rodrigo Duterte sa Malacañang sa Enero 23. (ADOR SALUTA)