NANAWAGAN si Reese Witherspoon, na hindi na masikmura ang nagaganap na gender bias sa Hollywood, na tapusin na ang maling pagtrato at pagbibigay ng “thankless roles” sa mahuhusay na aktres.
“I’ve just had enough. Things have to change,” saad ni Witherspoon noong Sabado sa press event sa Pasadena, California.
“We have to start seeing women as they really are on film. We have to. And not just in movie theaters on a tiny budget.”
Idinirehe ni Canadian director Jean-Marc Valle ang bagong HBO series na Big Little Dies, na pinagbibidahan ni Reese kasama sina Nicole Kidman, Shailene Woodey, at Laura Dern.
“We need to see real women’s experience, whether it involves domestic violence, whether it involves sexual assault, whether it involves motherhood or romance or infidelity or divorce,” ani Witherspoon, 40.
May pagkukulang at pagkakamali ang Hollywood sa hindi pagbibigay ng makabuluhang karakter sa kababaihan, lalo na ang mga babae na mahigit 35 anyos na.
Ang Big Little Lies na hinango mula sa nobelang isinulat ni David E. Kelley ang unang pagbibidahan ni Witherspoon sa isang TV production. Ipapalabas ito sa Pebrero 19.
Producer din si Witherspoon, na nanalo ng Oscar para sa kanyang role sa Johnny Cash biopic na Walk the Line.
Pinagtuunan niya ng pansin ang mga pelikulang pinagbibidahan ng kakabaihan tulad ng Gone Girl.
Nagbalik-tanaw siya na kadalasang nag-iisang babae lamang siya sa set nitong ilang nagdaang taon.
“It’s very rare to find five roles in one piece that we’d all jump at a chance to play,” ani Kidman. (AFP)