Ilang araw matapos ang manhunt operation ng Philippine National Police (PNP) laban sa pulis na sangkot sa pagdukot sa isang negosyanteng Koreano sa Angles City Pampanga, humingi ng protective custody si SPO3 Ricky Sta. Isabel sa National Bureau of Investigation (NBI) kahapon.

Sinabi ni NBI Public Information Office Chief Nick Suarez na ayon kay Atty. Roel Bolivar, Task Force Against Illegal Drugs head, nagtungo sa NBI si Sta. Isabel nitong Linggo upang humingi ng protective custody.

Ayon kay Suarez, si Sta. Isabel ay “under custody, but not detained,” simula kahapon.

Iniulat na hiniling ni Sta. Isabel na isailalim siya ng kustodiya ng tanggapan “because he feels safe under the watch of NBI.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pansamantala, siya ay mananatili sa kustodiya ng NBI.

Samantala, hindi naman nagbigay ng anumang pahayag si Sta. Isabel kaugnay sa mga akusasyong ipinupukol sa kanya.

Isa si Sta. Isabel sa mga itinuturong dumukot kay Jee Ick-Joo, 53.

Samantala, inihayag kahapon ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na hawak na ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG) ang dalawang kasamahan ni Sta. Isabel habang nagtatago sa ibang bansa.

Ayon kay Dela Rosa, apat pang sibilyan ang pinaghahanap ng pulisya at naniniwala siya na ang mga ito’y mahuhuli sa lalong madaling panahon.

Kapwa hindi pinangalanan ang dalawang pulis. (Betheena Kae Unite at Fer Taboy)