NARARAPAT na matutunan ng Talk ‘N Text Katropa na tanggapin at yakapin ang mga pagbabagong nangyayari sa koponan.

Ayon kay coach Nash Racela, ito ang agarang aksiyon na kailangan ng mga player para makaahon sa kasalukuyang kinalalagyan.

“From day one, I’ve been telling them that there has to be changes. I’ve been calling out their attentions, their names, on what they have to change. Change doesn’t happen overnight,” paliwanag ni Racela.

Aniya, ang pagbabago ay ang simpleng pagtanggap sa mga pagkakamali at piliting ayusin para sa susunod na aksiyon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Iginiit ni Racela na kasalukuyan pang pinagdadaanan ng koponan ang mga pagsusuri sa pagbabago na nagaganap sa kanilang kapaligiran.

At umaasa ang Texters mentor na mabilis nilang makita ang tama at magawa ang mga pagbabago bilang paghahanda papasok ng playoffs.

Kasalukuyang nasa gitna ng team standings ang Katropa matapos bumagsak sa patas na barahang 4-4 , kasunod ng 77-88 kabiguan sa Star Hotshots nitong Linggo.

“I think it’s a question of desire. The players should be the ones answering that. As a coach, we just try to encourage them and remind them of the things they have to do,” pahayag ni Racela.

Malaki ang tsansa ng TNT at kailangan nilang umayos sa huling tatlong laro kontra Mahindra, GlobalPort at No. 1 San Miguel.

“Our mindset is to still get as much wins because your position after the eliminations, you don’t have control over,” aniya. (Marivic Awitan)