MELBOURNE, Australia (AP) — Naitala ni Shelby Rogers ang unang upset sa Australian Open nitong Lunes nang patalsikin si ourth-seeded Simona Halep 6-3, 6-1 sa opening match sa center court.

Binasag ng No. 52-ranked na si Rogers ang service ng 2014 French Open finalist nang apat na ulit tungo sa impresibong panalo. Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ni Halep sa first round sa Melbourne Park, at ikaapat sa kabuuan ng career sa Open.

“There are no easy matches at this level ... so I’m happy to get through and definitely take confidence from what I did today,” pahayag ni Rogers.

Naisalba naman ni No.7 seed na si Muguruza ang set point sa unang set at medical timeout para magapi si Marina Erakovic, 7-5, 6-4.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang din sina Olympic gold medalist Monica Puig at Duan Yingying ng China sa mga umusad sa second round. Nagwagi si Puig kay Patricia Tig 6-0, 6-1, habang dinaig ni Yingying si Rebecca Sramkova, 6-3, 6-4.

Maaga namang natuldukan ang ‘cinderella story’ ni Australian teenager Destanee Aiava nang yumukod kay German qualifier Mona Barthel, 6-3, 7-6 (4). Ang 16- anyos Melbourne high school student ay tinanghal na unang player na ipinanganak sa millennium na naglaro sa main draw ng major tournament.