Hindi kuntento ang ilang transport group sa oil price rollback na ipinatupad ngayong Martes ng mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ngayon ay magtatapyas ito ng 40 sentimos sa kada litro ng kerosene, 35 sentimos sa diesel at 20 sentimos sa gasolina.

Matatandaang nitong Enero 10 ay nagtaas ng 10 sentimos sa kada litro ng diesel kasabay ng 15 sentimos sa kerosene, habang hindi nagbago ang presyo ng gasolina.

Dahil dito, mariing inalmahan ng mga jeepney driver ang anila’y “kakarampot” na bawas-presyo habang sobra naman umano ang “tubo” ng mga kumpanya ng langis dahil sa magkakasunod na oil price hike sa nakalipas na mga linggo.

National

‘We did not do anything about it:’ Mayor Leni, nagsising 'di naaksyunan agad online trolling!

(Bella Gamotea)