Dapat masanay na ang sambayanan sa paiba-ibang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, na tulad ng isang aso na puro kahol ngunit hindi naman nangangagat, sinabi ni Senate Minority Leader Ralph Recto.
“Such theatrical bombast is part of the President’s oratorical repertoire. His bluster should be likened to a dog that always barks but seldom bites,” ani Recto.
Ito ang reaksiyon ni Recto sa pahayag ng Pangulo na magdedeklara siya ng batas militar at walang makapipigil sa kanya maging ang Supreme Court (SC) para mapaigting ang paglaban sa droga.
Ayon kay Recto, malinaw naman ang nakasaad sa Saligang Batas hinggil sa batas militar. “There is no basis to declare Martial Law. Rebellion has been tamed,” aniya.
Para kay Recto, ang tunay na kalaban ng bayan ay ang kawalan ng trabaho, kagutuman, mahinang social services.
(Leonel M. Abasola)