Nais ni Senator Leila de Lima na magkaroon ng imbestigasyon sa nangyaring data leak sa 55 milyong botante na nakarehistro sa Commission on Election (Comelec).

Aniya, ang imbestigssyon ay bahagi ng tungkulin ng estado na bigyang proteksiyon ang mga botante at mamamayan.

“The rising number of Internet vigilantes who tamper with our people’s right to privacy should be everyone’s cause for worry. The need to preserve the right to privacy should be paramount. This right should be made available to all regardless of one’s stature in our society. The Comelec data breach is everyone’s problem, a repetition of this breach is everyone’s problem. Online lawlessness should be nipped at its bud,” sabi ni De Lima.

Bagamat una nang nilinaw ng Comelec na walang confidential information na nakuha, inimbestigahan pa rin ito ng National Privacy Commission (NPC) at inirekomenda nitong sampahan ng kaso si Comelec Chairman Andres Bautista dahil hiindi nito natiyak ang kapakanan ng mga botante. (Leonel M. Abasola)

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!