Kinumpirma ni Manila Mayor Joseph Estrada na ilang punong barangay sa lungsod ang nagpositibo sa isinasagawang drug test ng pamahalaang lungsod.

Ayon kay Estrada, natanggap na niya ang inisyal na resulta ng drug test at nadiskubreng may mga barangay chairman na gumagamit ng ilegal na droga.

“Merong ilang nagpositibo, ‘di ko pa alam ang eksaktong bilang,” pagbubunyag ni Estrada.

Hindi na muna pinangalanan ang mga ito.

National

‘We did not do anything about it:’ Mayor Leni, nagsising 'di naaksyunan agad online trolling!

Aniya, hindi pa tapos ang drug testing ng Manila Health Department (MHD) sa 7,168 opisyal ng barangay.

Kaugnay nito, muling binalaan ng alkalde ang mga opisyal ng barangay na papatawan niya ng kaukulang parusa ang mga mapapatunayang gumagamit ng ilegal na droga.

“Humanda na sila sa maaaring mangyari. Alam nilang hindi ako nagbibiro. Walang puwang sa gobyerno ang mga adik sa droga,” aniya pa.