ROSARIO, Batangas - Dead on arrival sa pagamutan ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin habang nakaupo sa waiting shed sa Rosario, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Efren Tolentino, 42, taga-Barangay San Ignacio, Rosario, at sumuko sa Oplan Tokhang noong nakaraang buwan lamang.

Ayon sa report ni SPO2 Lyndon Montales, dakong 1:20 ng hapon nitong Linggo nang pagbabarilin si Tolentino, na tinamaan sa ulo.

Suspek sa pamamaril si Reynaldo Reyes, ng Bgy. Tubahan, Rosario, na nabatid na nakaalitan ng biktima sa Rosario Public Market nitong Enero 3. (Lyka Manalo)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol