WALANG kuskos-balungos sa pagpili ng atleta na irerekomenda para sa delegasyon ng bansa sa 29th Southeast Asian Games sa Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Iginiit ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman sa lahat ng national sports associations (NSAs) na tanging mga atleta na may kakayahan na manalo ng medalya ang irekomenda upang maiwasan ang mahabang usapin at maagang masimulan ang pagsasanay at paghahanda sa biennial meet.

‘Hindi natin kailangan ang mahabang diskasyunan. Tatanungin at tapos dedepensa naman ang NSA. When we sit down, show the athletes quality, credentials and achievement kung qualify eh!isama sa team,” sambit ni Ramirez.

Inulit ni Ramirez ang kahilingan na nauna nang iginiit sa isinagawang ‘consultative meeting’ sa Tagaytay City kamakailan, na huwag nang ipilit ng mga NSA ang nais nilang atleta at sumunod na lamang sa napagkasunduang criteria para sa pagpili ng kompetitibong koponan sa SEAG.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I’ll remind them to send the best of the best. Masyado na tayong kawawa sa SEAG. Gawin natin ang dapat para makabalik tayo sa top 5, mas maganda sa top 3,” aniya.

Hindi nakaalis ang ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa nakalipas na SEAG mula nang maging overall champion noong 2005. Hindi sinasadya, si Ramirez ang chairman ng PSC nang maganap ang makasaysayang tagumpay ng atletang Pinoy sa SEA Games.

Haharapin ng pinagsanib na POC ( Philippine Olympic Committee)-PSC (Philippine Sports Commission) SEA Games Task Force ang kinatawan ng mga NSA’s simula sa Huwebes (Enero 19) upang suriin ang programa at plano ng mga sports lider para sa kanilang line-up.

Ayon kay Task Force chief Tom Carrasco ng POC, nauna nang napagkasunduan ang pagbuo ng checklist na pagbabasehan ng kanilang mga itatanong at mungkahi sa bawat NSA’s.

Nakapaloob sa nasabing checklist ang mga sports at events na lalahukan, listahan ng mga nominadong mga atleta, logistical requirements at training program.

Itinakda ang pakikipagpulong base sa mga sports na may pinakamaraming medalyang nakataya kaya’t nangunguna sa listahan ang aquatics at diving na may 60 medalya kasunod ang athletics na may nakatayang 46 na medalya.

Hindi naman malinaw kung aling NSA sa pagitan ng Philippine Aquatics Swimming Association (PASA) at Philippine Swimming League ang opisyal na kakusapin ng Task Force. Matatandaang kinila ng PSC ang PSL na pinangangasiwaan ni dating Senator Nikkie Coseteng, habang hindi binibitiwan ng POC ang PASA na pinamumunuan ni Mark Joseph.

(Marivic Awitan)