Sinabi ni Government (GRP) chief peace negotiator Silvestre Bello III na umaasa at sisikapin nilang malagdaan ang bilateral ceasefire agreement sa ikatlong serye ng peace negotiations kasama ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa Enero 19 hanggang 25 sa Rome, Italy.

Sinabi ni Labor Sec. Bello sa mamamahayag sa paglulunsad ng Philippine chairmanship ng ASEAN 2017 sa SMX Convention Center sa Davao City noong Linggo na umaasa silang magkasundo sa “definition of terms,” halimbawa sa mga gawain na itinuturing na hostile at paglabag sa ceasefire, kasama ang kanilang mga katapat sa NDFP upang maselyuhan ang dokumento sa ceasefire.

“The problem with unilateral ceasefire is that it lacks the definition of terms. In bilateral agreement, there is definition of terms to know what hostile act will constitute a violation,” aniya.

Nagdeklara ang CPP-NPA-NDFP ng indefinite ceasefire noong Agosto 28, 2016, o isang linggo matapos ideklara ni Duterte ng indefinite ceasefire ng gobyerno noong Agosto 21, 2016.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Tatalakayin ng GRP-NDFP panels sa Rome ang Comprehensive Agreement on Socioeconomic Reforms (CASER).

(Antonio L. Colina IV)