DAGUPAN CITY, Pangasinan – Arestado ang dalawang menor de edad sa pagkakasangkot sa kidnapping sa Barangay 10 sa Laoag City, Ilocos Norte.

Ang isa sa dalawang 17-anyos na lalaking suspek ay isang estudyante na ilang beses nang nasangkot sa pagnanakaw, at kapwa sila taga-Bgy. 1 San Lorenzo sa Laoag City.

Nagharap ng reklamo sa pulisya laban sa dalawang binatilyo si Earl Mahwaen Mendoza Arevalo, 24, ng Primo Lazaro Street, Bgy. 5, Laoag City.

Ayon kay Arevalo, nakipagkita siya sa ilang kaibigan nitong Biyernes at iniwan niya ang kanyang gray/black na Honda Wave S125 motorcycle (AQ-5405), ngunit nang balikan niya ay wala na ang kanyang motorsiklo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa pag-iimbestiga ng Laoag City Police, naaresto ang dalawang binatilyo at nabawi umano sa mga ito ang motorsiklo ni Arevalo sa Bgy. 46 Nalbo sa Laoag City. (Liezle Basa Iñigo)