Tinadtad ng bala hanggang sa mapatay ang isang negosyante ng hindi pa nakilalang suspek sa Quezon City, kahapon ng hatinggabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rosse Villamor, alyas Toto, 35, ng No. 14 Uwak Street, Barangay Commonwealth, Quezon City.
Hindi na umabot nang buhay si Villamor nang isugod sa FEU General Hospital dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan.
Sa inisyal na ulat ni PO3 Riolito Gutierrez ng Batasan Police-Station 6, dakong 11:50 ng gabi nangyari ang pamamaril sa tapat ng Holy Family Midwife Clinic, Bgy. Commonwealth, Quezon City.
Naglalakad umano pauwi si Villamor nang basta na lamang humarang ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang negosyante sa nasabing lugar.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Jun Fabon)