ILOILO CITY – Tunay na mahal ng sambayanan ang Barangay Ginebra.
At bilang ganti sa suporta ng lokal crowd, ratsada ang Kings matapos ang paghahabol sa unang bahagi ng laro tungo sa 83-72 panalo kontra Meralco Bolts sa OPPO-PBA Philippine Cup nitong Sabado ng gabi sa University of San Agustin gym dito.
Binura ng Kings ang double-digit na bentahe ng Bolts sa dominanteng aksiyon sa third period para manatili sa tamang daan sa target na sundan ang napagwagihang Governors’ Cup title.
Nanguna si Joe Devance sa Ginebra sa naiskor na 19 puntos at siyam na rebound, habang kumana si Japeth Aguilar ng 17 puntos, kabilang ang limang sunod sa scoring run ng Kings para sa 79-65 na bentahe sa huling dalawang minuto tungo sa ikaapat na panalo sa walong laro.
“We’re still trying to climb our way back to contention,” pahayag ni Ginebra coach Tim Cone. “The thing I liked about today is our team really battled and battled, and we have our bad moments and we kept battling through it, keeping our heads up keep pushing.”
Iskor:
GINEBRA (83) – Devance 19, Tenorio 18, Aguilar 17, Mercado 9, Thompson 7, Caguioa 4, Ferrer 4, Ellis 3, Marcelo 2, Cruz 0, Mariano 0, Taha 0
MERALCO (72) – Hugnatan 18, Newsome 14, Amer 11, Caram 6, Yeo 6, Bono 5, Hodge 5, Faundo 4, Daquioag 3, Grey 0, Nabong 0
Quaterscores: 14-23, 39-40, 56-50, 83-72 (Marivic Awitan)