NATUKOY sa pag-aaral na pinangunahan ng University of California sa Berkeley na posibleng maglaho ang mga parasitiko sa mundo dahil sa pandaigdigang climate change, at malaki ang magiging epekto nito sa ecosystem.

Inilathala kamakailan ng journal na Royal Society Open Science, natuklasan ng pag-aaral na posibleng pinakalantad sa posibilidad ng extinction ang mga parasitiko sa may magkakaibang internal temperature, mga parasitiko sa may malalaking katawan, mga parasitiko sa mga partikular na host, at mga parasitikong may kumplikadong life cycles.

Ayon sa pag-aaral, ang pagkawala ng mga parasitikong ito ay maaaring magdulot ng kawalan ng katatagan sa ecosystems sa maraming paraan, gaya ng pagdami ng kaso ng mga mapaminsalang sakit o pagpapalit ng food web o pagbabago sa host physiology.

“This is the first comprehensive review of how climate change may affect parasite biodiversity, from the point of view of parasite conservation,” sabi ni Carrie Cizauskas, na nanguna sa pananaliksik bilang postdoctoral affiliates sa laboratoryo ni Wayne Getz, propesor ng wildlife ecology sa Department of Environmental Science, Policy and Management ng UC Berkeley.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: May ‘purpose’ na itinakda ang Diyos sa buhay mo

Habang nagbabago ang pinagtutuunan ng karamihan sa mga pananaliksik sa mga parasitiko at pagbabago sa kalikasan sa kung paanong mapapasama ang mga host, partikular na ang mga tao, natukoy sa mga naunang pag-aaral na ang mga parasitiko ay 10 beses na mas delikado sa tuluyang paglalaho kaysa kanilang host.

Sa bagong pag-aaral, iminungkahi ng mga mananaliksik na ang mga parasitiko ay delikado rin sa extinction dahil sa climate change, tulad din ng iba pang taxonomic group. Isang bagong pagsusuri mula kina Cizauskas at Colin Carlson, isang graduate student sa kaparehong departamento at isa sa mga nanguna sa inaabangang pag-aaral, ang nagtangkang tukuyin ang aktuwal na panganib sa extinction ng mga parasitiko gamit ang mga umiiral nang datos at modeling.

“Ultimately, our goal is for this review to act as a catalyst for further research efforts and discussions regarding the important and little-addressed topic of parasite vulnerability in the face of climate change,” sinabi ni Cizauskas. (PNA)