Isang lalaking may kapansanan ang natagpuang patay malapit sa baywalk sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni SPO1 Bernardo Cayabyab, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 6:00 ng gabi nadiskubre ang bangkay ni Samuel Parungan, alyas “Samuel Putol”, 50, pulubi, sa Baywalk sa Roxas Boulevard sa Ermita na nagsisilbi rin niyang tahanan.

Si Jeff Tibigar, isa ring pulubi at kaibigan ni Parungan, ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima.

Ayon kay Tibigar, matagal nang na-diagnose na may tuberculosis ang biktima na posible umanong sanhi ng pagkamatay nito.

National

De Lima sa pagkilala ng SC sa 'property rights' ng same-sex couples: 'A step toward genuine equality!'

Ngunit sa kabila nito, ayon kay Tibigar, malakas pa rin umanong uminom ng alak si Parungan. (Mary Ann Santiago)