BISHKEK (Reuters) – Bumulusok ang cargo jet ng Turkish Airlines malapit sa Manas airport ng Kyrgyzstan noong Lunes, na ikinamatay ng 37 katao, karamihan ay mga residente sa pamayanang kinabagsakan ng Boeing 747 na nagtangkang lumapag sa kabila ng makapal na hamog, sinabi ng Kyrgyz officials. Namatay din ang apat na piloto.

Ayon sa airport administration, palapag na sana ang eroplano sa Manas, malapit sa capital city ng Bishkek, patungong Istanbul mula Hong Kong. Bumulusok ito nang tangkaing lumapag sa kabila ng poor visibility dakong 7:31 local time.

Winasak ng eroplano ang 15 gusali sa pamayanan.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa