MASARAP kausap si Harvey Bautistakahit mahiyain dahil marami naman siyang kuwento.

 

Grade 8 ngayon si Harvey sa Multiple Intelligence International School na hindi naman daw mahigpit kaya nakakapag-artista siya.

 

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Sa Goin Bulilit nagsimula si Harvey, nagkaroon ng guestings sa mga teleserye, sa Wansapanataym at ngayon ay introducing sa Ilawod kasama sina Ian Veneracion, Iza Calzado, Therese Malvar at Xyriel Manabat mula sa direksiyon ni Dan Villegas under Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films at Butchi Boy Production.

 

Ano ang advantage o disadvantage ng anak ng isang mayor?

“Mayroon konting disadvantages lang, but more on advantage. You know, I used to watch my dad and his movies so I would compare mine to his and I always see his acting would be better than mine. And he’s my role model, siyempre because he’s an actor/politician.

 

“Maybe one day, I’ll get into politics, follow his footsteps, and yeah, maybe one day, I’ll be also Mayor of Quezon City,” pahayag ng binatilyo.

 

At ang disadvantage naman ay, “You can never go outside without a yaya. I’m not heavily guarded, yaya lang, hindi naman siya bodyguard.”

 

Bihira pala silang magkitang mag-ama.

“He calls everyday, yeah, he calls everyday and I can’t answer kasi it’s either I’m sleeping or I’m being something else. Pero if I’m free and he’s free, nanonood naman kami ng movie, maybe thrice a month. 

 

“If I’m free, I go to his house and discuss my ideas and ‘yung mga ideas niya rin, nagpi-pitch kami na maybe one day mangyari ‘yun,” kuwento ng bagets.

 

Ano ang mga ugali ng ama na namana niya?

“’Yung shape ng mukha ko pero ‘yung personality ko po, hindi ako sure. It’s up to you, guys na lang to know ‘coz I never really know. Only you guys can see,” napangiting sagot ng bagets.

 

Natanong din si Harvey tungkol sa half-brother niyang si Rain na dumating mula sa Amerika. Nag-aaral ito ng filmmaking sa New York University. Nagkakilala na ba sila ng kuya niya?

 

“I’ve already met him once, but then I didn’t see him often,” mabilis na sagot niya.

 

Sa madaling sabi, hindi sila close noong bata-bata pa sila? 

“Yeah.”

 

Mukhang lahat sila interesado sa filmmaking, pati ang kanyang Ate Athena?

“Oh, yes. Actually, she wants to go to NYC (New York City) to study film. Actually, same, I want to go to study filmmaking din kasi, I have this weird ideas in my head, and yeah, both of us wants to be director one day. And I know she’s going to be a good one like she’s watching movies, dyina-judge niya ‘yung mga shots, kung bakit ganito, bakit ganu’n, so ganu’n na siya. Kaya kitang-kita ko na na interested din siya.”

 

Tinatanong nga ba niya ang ama kung kailan siya ipagpo-produce ng pelikula?

 

“Oh, yes. Millions of times na, kasi I love superheroes. A lot of my fans notice this. I keep on sharing sa Instagram ng latest vids (videos) ng superheroes. Of course as a geek, I also have my own superheroes and I present it to him (Herbert), I keep on annoying him, so yeah, maybe one day, he’s gonna consider it to make movie about superheroes and that would be amazing for me kasi lalo na ‘yung Fire Play,” kuwento ng batang aktor.

 

May showbiz crush na ba siya? 

“Hindi siya showbiz, from my school,” kaswal na sagot niya.

 

Walang maganda sa showbiz para sa kanya? 

“Hindi naman po sa hindi sila maganda, hindi ko lang sila crush.”

 

Gusto niyang sundan ang mga yapak ng ama pagdating sa acting.

 

“Comedy talaga kasi, you know, Goin’ Bulilit, comedy talaga siya. I grew up doing comedy shows and ‘yung jokes actually, ako ‘yung class clown, so comedy na sci-fi talaga, alien movies, okay na rin ang horror, pero I’m not that big in horror. Actually na-surprise ako kasi I never really imagine na may first movie is horror. I’m not a fan of horror films. I imagine that na comedy because of my dad. 

 

“Pero as first movie ko, it went well naman, shooting was fun, amazing scriptwriter, it’s an honor to work with amazing actors and actresses,” kuwento pa niya. (Reggee Bonoan)