Makalipas ang anim na buwan simula nang ilunsad ng kasalukuyang administrasyon ang kampanya kontra ilegal na droga, hinimok kahapon ng isang anti-smoking group si Pangulong Rodrigo Duterte na aksiyunan din ang adiksiyon sa sigarilyo; sa paglagda sa executive order (EO) na magbabawal sa paninigarilyo sa pampublikong lugar.
“First-time smokers turn into chain smokers because tobacco is addictive. Nearly 17.3 million Filipinos are currently addicted to smoking already,” ayon kay NVAP Emer Rojas, sa ngalan ng organisasyon na binubuo ng mga cancer survivor.
Naniniwala ang NVAP na “imperative for Duterte to also take strides in stopping more and more Filipinos from getting addicted to smoking cigarettes.”
“Such addiction must also be curbed by the government in a similar way that it endeavors to stop the drug menace,” ayon kay Rojas.
Idinagdag niya na kung ang ilegal na droga ay sanhi ng sakit sa puso, respiratory issues, ang sakit sa atay at iba pa ay maaaring sanhi ng paninigarilyo.
“We really need to stop the premature death of Filipinos due to tobacco addiction. Like any other addiction, this must be reduced or totally prevented,” pahayag ni Rojas. (Charina Clarisse L. Echaluce)