MELBOURNE, Australia (AP) — Habang nakikipaghuntahan si Roger Federer sa mga reporter hingil sa kanyang pagbabalik aksiyon, abala sa Melbourne Park ang mga lower-ranked player sa pagnanais na makasama sa main draw ng Australian Open.

Kabilang si Austrian veteran Jurgen Melzer sa nagtitiis sa ilalim ng init ng araw. At nabiyayaan siya sa huling yugto ng qualifying nang gapiin sina American Noah Rubin at Bjorn Fratangelo. Nagwagi rin siya kay Rajeev Ram, 6-2, 3-6, 6-3 para makuha ang pagkakataon na makaharap si Federer, ang 17-time major winner sa first round ng Open sa Lunes (Martes sa Manila).

Naging kampeon si Federer ng apat na uli sa Australian Open at umabot sa semifinal o higit pa sa 12 sa huling 13 taon, ngunit anim na buwan siyang hindi nakalaro bunsod ng operasyon sa tuhod.

“Yeah, it would be good to know who I play. I guess I could tell you what I think,” sambit ni Federer. “Once it’s out, it’s actually a good thing because then you can start actually mentally preparing for the Aussie Open. Is it a lefty, a righty? It’s a big deal. Is he a big server, a grinder?

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“A bit of an unknown here the first round because that’s the part of the draw I care most about because of having not been playing,” aniya.

Sa head-to-head duel, tangan ni Federer ang 3-1 bentahe kay Melzer.