Hindi dadalo si Pangulong Duterte sa inaugural ceremony ni US President-elect Donald Trump sa Washington DC ngayong linggo.
Sa halip, ipadadala ni Duterte sina Presidential Communications Secretary Martin Andanar at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. bilang mga kinatawan ng Pilipinas sa nasabing seremonya.
“Hindi po pupunta si Pangulong Duterte,” sinabi ni Andanar sa isang panayam sa radyo. “Hindi customary kasi na uma-attend ‘yung mga heads of state sa US inauguration, kasi ito ay domestic event.”
Nakatakdang manumpa sa tungkulin si Trump bilang ika-45 presidente ng Amerika sa Biyernes, Enero 20.
Una nang nagpahayag ang Malacañang ng kumpiyansa na magkakaroon ang bansa ng “better relationship” sa Amerika sa ilalim ng administrasyon ni Trump. (Genalyn D. Kabiling)