Pinagtibay ng House committee on natural resources ang mga panukalang nagdedeklara sa Davao City at sa Biliran bilang mga mining-free zone upang maprotektahan ang mga residente at ang kapaligiran laban sa mapanganib na epekto ng pagmimina.
Ipinasa ng komite ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate ang House Bills 3166 at 872, na nagdedeklara sa Davao City at Biliran bilang mga mining-free zone.
Binigyang-diin naman ni Biliran Rep. Rep. Rogelio Espina, may-akda ng An Act Declaring Biliran as Mining-free Zone, na delikado ang pagmimina sa lalawigan sapagkat maliit lang ito at binubuo ng dalawang volcanic island.
(Bert de Guzman)