SA unang pagkakataon, ibinalandra na ni Alex Gonzaga ang katauhan ng kanyang non-showbiz boyfriend na nagngangalang Mikee Morada sa January 13 episode ng Magandang Buhay.

Ayon kay Mikee, nakilala raw niya si Alex through Piolo Pascual, na kaibigan niya. 

“Lagi ko siyang (Alex) tinitingnan through Instagram,” bungad ni Mikee. “Feeling ko parang makakasundo ko siya. So, lagi kong sinasabi, ‘Pare, ‘pakilala mo naman ako.’ Pero wala, hindi niya ginagawan ng paraan. Parang wala siyang sinasabi sa akin. Until, one day, tumatawag si PJ (Piolo). ‘Tapos, pagsagot ko, si Alex ‘yung ano (nasa kabilang linya).”

“Sabi ko, ‘Gusto mo daw akong makilala?’” kuwento naman ni Alex. “Alam mo sagot niya? ‘Maja?’” 

Tsika at Intriga

Mel Tiangco, pumalag mismo; Alex Eala, inisyung ininsulto!

“And so she gave the phone to Maja (Salvador) who gave the phone back to her,” salo ni Mikee.

Paliwanag ni Alex, hindi siya na-hurt dahil hindi naman alam ni Mikee na close siya kay Piolo. Ang alam ni Mikee na close kay Papa P ay si Maja.

Sa sumunod nilang usapan, sabi ni Alex sa kanya, “Kung gusto mo akong makausap, gumawa ka ng paraan.”

Sabi pa ni Alex, tatlong buwan na noong ikinukuwento ni Piolo si Mikee sa kanya. Kaya lang, noong panahon na ‘yun, may ibang nakikipag-date kay Alex. 

“Sabi ko, kapag malungkot na lang ako. ‘Pag ‘di ‘to natuloy. Eh, hindi natuloy. Blessing in disguise. ‘Buti nga!” kinikilig na bitaw ni Alex.

Ayon sa dalawa, nag-uumpisa pa lang silang lumabas-labas o nasa getting-to-know each other stage lang sila.

(Ador Saluta) (Weh.... Ganu’n? --Editor)