ALIAGA, Nueva Ecija - Malagim na trahedya ang sinapit ng isang 74-anyos na biyuda na nasawi makaraang hindi makalabas sa nasusunog nitong bahay sa Barangay San Juan sa Aliaga, Nueva Ecija.

Ayon sa report, dakong 12:30 ng hatinggabi nitong Huwebes nang sumiklab ang sunog sa bahay ni Gregoria Cauba y Grospe, at lubhang malaki na ang apoy nang makaresponde ang mga bombero.

Sa pahayag ng anak ng biktima na si Jerry Cauba, 45, nagsimula ang sunog sa kandilang sinindihan ng kanyang ina.

Aniya, nakagawian na ng matanda na magsindi ng kandila tuwing matutulog dahil pinapatay nito ang ilaw na de-kuryente upang makatipid sa konsumo. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga