Aabot sa 11 katao ang inaresto ng mga tauhan ng Makati City Police matapos umanong mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa ikinasang “One-Time, Big-Time” (OTBT) operation sa lungsod, Sabado ng gabi.

Kasalukuyang nakakulong ang 11 suspek, pawang hindi pinangalanan, at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO) chief Supt. Jenny Tecson, dakong 9:00 ng gabi sinimulan ng Makati City Police ang OTBT sa mga nasasakupang lugar sa lungsod.

Sa kasagsagan ng operasyon, naabutan umano ng mga pulis ang 11 indibiduwal na bumabatak ng shabu at nakumpiskahan pa ng ilang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bukod dito, arestado rin ang 25 katao dahil sa paglabag sa mga ordinansa habang dalawang motorsiklo ang idiniretso sa impounding area ng pulisya dahil sa kawalan ng kaukulang papeles. (Bella Gamotea)