MATUTUNGHAYAN simula ngayon ang pinaka-aabangang pasabong sa kasaysayan ng Pilipinas sa pagdaraos ng 2017 World Pitmasters Cup 9-Cock Invitational Derby sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila, Pasay City.
Mahigit 300 lokal at dayuhang mananabong ang sasali para makuha ang binansagang pinaka-prestihiyosong kampeonato ng sabong sa buong mundo.
Maglalaban-laban ngayon sa ganap na 10:00 ng umaga ang unang grupo ng eliminasyon na may 145 sultada sa programa.
Pinangungunahan ang pasabong na ito nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea sa pakikipag-tulungan nila Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong. Ang pitong araw na bigating pasabong ay suportado rin ng Thunderbird Platinum, Thunderbird Bexan-XP, Resorts World Manila at Warhawk.
Kabilang sa mga sikat at bigating Amerikanong kalahok sina Carol Nesmith, Wilbert Leblanc, Richard Harris, Bruce Brown, Joe Brown, Norman Rockwell, Phil Sneed, Kelly Everly, Norland Blount, Will Nall, Randy Hall at Will Kolett.
Kasali rin sina Kini Kalawaii ng Hawaii, Peter Elm ng Guam at Ray Roberto ng Saipan.
Ang mahirap matinag na lokal na delegasyon ng pinaka-magagaling na sabungero sa Pilipinas ay kinabibilangan nina Patrick Antonio, Jun Santiago, Nene Abello, Elwin Javelosa, Edwin Tose, Arman Santos, Atty. Carlos Tumpalan, Cong. Kulet Alcala, Bernie Tacoy, Cong Lawrence Wacnang, Cong. JB Bernos, Cong. Jun Panganiban, Atty. Ed Santos, Atty. Arcal Astorga, Engr. Tony Marfori, Jet Fernando, Gengen Arayata, Mayor Jesry Palmares, Dicky Lim, Celso Evangelista, Mayor Cito Alberto, Boy Gamilla, Team Delubyo, Vic Setias, Lance dela Torre, Gov. Claude Bautista at Boyet Plaza.
Kabilang din sa labanan ang parehong bigating mga mananabong na sina Osang dela Cruz, Chito Tinsay, Remigio Llarenas, Jojo Gatlabayan, James Tumulak, Itoy & Boyet & Sison, Dan Padilla, Biboy Enriquez, Mike Decena, Vice Gov. Odie Fausto, Alex Ty, Nestor Vendivil, Mike & Tonio Romulo, Joey Sy, Ali Intino, Jun Bacolod, Mayor Yoyong Yap, Raymond dela Cruz, Marcu del Rosario, Teng Rañola, Jerico Camasura, Pol Estrellado, Kano & James Raya, Cong. Victor Yap with Pipo Soliman & Custer Tiu, Raffy Yulo, Victor Sierra, Rey Briones, Pao Malvar, Sonny Panaligan, Atty. Art de Castro & Ed Aparri, Coun. Marvin Rillo, Jojo de Leon, Ferdinand Zambala & Ju Ortega, Bebot Monsanto, Marvin Perez at marami pang iba.
Ang pangalawang eliminasyon ay gaganapin bukas sa kaparehong oras na 10:00 ng umaga para sa panibagong grupo na may 150 sultada.