Ryan Reynolds (AP photo)
Ryan Reynolds (AP photo)

HINDI magagambala ng pinakabagong parangal na ipinagkaloob sa kanya ang pag-asam ni Ryan Reynolds na manalo sa Oscars.

Kinilala ang Deadpool star bilang Man of the Year ng Harvard University student theater group na Hasty Pudding Theatricals nitong Biyernes.

Bagamat nagmula sa pinakamatagal nang collegiate theatrical organization ng bansa ang parangal, at inihilera si Ryan sa mga una nang nagwagi nito na sina Chris Pratt, Neil Patrick Harris, at Robin Williams, may ibang club pa na nais salihan ang aktor.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Natalo man sa Golden Globe kamakailan, ginamit naman ng aktor ang Twitter nitong Biyernes para i-post ang nakakatawang Oscar campaign video para sa kanyang pelikulang Deadpool. Lumabas ang post pagkaraan ng isang linggo simula nang matalo siya ni Ryan Gosling sa Golden Globe. Ikinuwento ni Reynolds sa video na nahirapan siyang maisapelikula ang kanyang passion project.

Nabanggit din sa video na tumanggap siya ng “42 rejection letters from Fox,” ang studio na kalaunan ay pumayag na ring iprodyus ang pelikula, upang mailarawan ang mga pagsubok na pinagdanan niya sa loob ng 11 taon bago ito nabuo. - People.com