Isang lalaki na hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nasawi matapos umanong manlaban sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang suspek na si Ramon Lindo, 48, referee, ng 305 Coral Street, Tondo, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ni PO3 Jorlan Taluban, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 5:45 ng hapon nang isagawa operasyon laban kay Lindo sa loob mismo ng kanyang bahay.

Si PO2 Billy Cruz ang nagsilbing poseur buyer at bumili ng P500 halaga ng shabu sa suspek.

Nasa 1,000 tauhan ng BFP, sangkot sa ilegal na bentahan ng fire extinguisher!

Sa kalagitnaan ng transaksiyon ay nakahalata umano ang suspek na pulis ang kanyang kaharap kaya tinangka nitong barilin si Cruz ngunit siya’y inunahan na ng mga back up na pulis.

Narekober sa suspek ang isang kalibre .38 revolver, P500 marked money at tatlong plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,500.

Minsan na umanong naaresto si Lindo at naharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ngunit nakalaya rin matapos makapaglagak ng piyansa. (Mary Ann Santiago)