BINIGO ng University of Perpetual Help ang target ng Lyceum of the Philippines na makatabla sa second spot ng women’s division sa impresibong 25-21, 29-27, 25-23 panalo kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Nagtala ang beteranang hitter at beach volleyball specialist na si Jamela Suyat ng 19 puntos , 17 mula sa hit upang pangunahan ang naturang panalo na nag- angat sa kanila sa barahang 4-3.

Nag- ambag naman sina Coleen Bravo at Jowie Albert Verzosa ng 13 at 11 puntos para sa panalo ng Lady Altas at nagbaba sa Lady Pirates sa barahang 5-2.

Nanguna para sa Lyceum na kailangang maipanalo ang hurling dalawang laro kontra San Sebastian College at Arellano University para matiyak ang slot sa Final Four sina Christine Miralles at Cherilyn Sindayen na may tig-10 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bagama’t umangat sa barahang 4-3, kailangang ipanalo ng Lady Altas ang huling dalawang laro at umasang walang lumagpas ng anim na panalo sa mga sinusundan nilang koponan para makahirit sa huling Final Four berth.

Nauna rito, nakaisang panalo rin ang Emilio Aguinaldo College Lady Generals sa huling walong laro matapos talunin ang Mapua, 25-18, 25-13, 26-24.

Nanatili namang walang panalo ang EAC Generals sa men’s division matapos biguin ng Cardinals, 25-21, 25-22, 14-25, 25-15. - Marivic Awitan