Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Blackwater vs Alaska

6:45 n.g. -- Talk ‘N Text vs Star

TNT's Kelly Williams goes for the basket against Alaska's Vic Manuel and Calvin Abueva (Rio Leonelle Deluvio)
TNT's Kelly Williams goes for the basket against Alaska's Vic Manuel and Calvin Abueva (Rio Leonelle Deluvio)
PATATAGIN ang kinalalagyan sa team standings ang target ng Talk ‘N Text at Alaska sa kanilang pagtutuos sa tampok na laro ng double header ngayong gabi sa OPPO-PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nakatakda ang duwelo ganap na 6:30 ng gabi kung saan makakasabit sa ikalawang puwesto ang magwawagi para makasama ang Rain or Shine at Globalport na parehong may 5-3 karta.

Haharapin naman ng Alaska Aces ang Blackwater Elite sa unang sultada sa 4:30 ng hapon.

Parehong galing sa kabiguan ang Blackwater, TNT at Star, habang nakaisa ang Alaska para makabalik sa winning track.

Gayunman, sisikapin ng Aces at Tropang Texters na makahabol sa pinaglalabanang top 2 spot kung saan nakakaungos ang solong lider San Miguel Beer hawak ang barahang 8-1. May kaakibat na twice-to-beat incentives sa quarterfinals ang top 2 team matapos ang elimination.

Huling natalo ang Elite sa kamay ng Beermen noong Enero 6 sa iskor na 93-118, habang bigo naman noong nakaraang Enero 7 ang Tropang Texters sa NLEX sa kanilang road game na ginanap sa Angeles City, 98-110.

Ang Hotshots naman ang huling tinalo ng Aces sa nakalipas nilang laban noong Enero 11 sa iskor na 97-90. - Marivic Awitan