Nagbabala ang gobyerno sa inaasahang pagtaas ng inflation rate ngayong taon ngunit tiniyak na nasimulan na ang mga hakbangin upang maiwasan ang matinding epekto nito sa presyo ng mga bilihin.

Ito ang naging pahayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar matapos matukoy sa resulta ng Pulse Asia survey na bigo ang gobyerno na makontrol ang pagtaas ng mga bilihin, na isa sa mga pangunahing concerns ng mga Pinoy.

“We expect inflation to even go higher in early 2017 because of the damage to rice fields due to the onslaught of typhoons Karen, Lawin, and Nina,” sabi ni Andanar.

Ayon kay Andanar, pinaghandaan na ito ng Department of Agriculture (DA). - Genalyn D. Kabiling

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3