Sumulat ng ilang libro si Blatty ngunit mas nakilala siya sa kan
yang tagumpay sa 1971 novel na tungkol sa 12-anyos na babaeng may masamang pag-uugali na humantong sa pagkakatanto ng isang batang pari na sinapian ito ng demonyo.
Hindi nagustuhan ng mga kritiko ang nobela ngunit bumenta ito ng 13 milyong kopya, nanguna sa The New York Times bestseller list sa loob ng 17 linggo, at itinuring na isa sa pinakamagandang horror novel sa lahat ng panahon.
Nanalo si Blatty ng Oscar para sa pelikula ng kanyang sariling libro noong 1973 at sumunod na isinulat at idinirehe ang sequel nito na The Exorcist III noong 1990s.
Pumanaw si Blatty, isang Roman Catholic, sa ospital na malapit sa kanyang tahanan sa Bethesda, Maryland nitong Huwebes na inihayag sa social media ni Friedkin noong Biyernes.
“William Peter Blatty, dear friend and brother who created ‘The Exorcist’ passed away yesterday,” aniya.
“RIP William Peter Blatty, who wrote the great horror novel of our time. So long, Old Bill,” tweet ni Stephen King, na ang libro ay nabenta higit 350 milyong kopya. - AFP