Hindi lamang Philippine National Police (PNP) ang may kampanyang “Oplan Tokhang” dahil isasagawa na rin ito ng Social Security System (SSS) laban sa mga employer na hindi nagbabayad ng kontribusyon ng kani-kanilang empleyado.

Mismong si SSS Vice President for Public Affairs Marissu Bugante ang nagkumpirma kasunod ng mga natatanggap nilang reklamo laban sa mga employer na hindi nagre-remit sa ahensiya.

Aniya, isa lamang ito sa mga pangunahing hakbang ng ahensiya upang masolusyunan ang mga problemang idinudulog ng mga SSS member laban sa kanilang employer.

Nagbabala si Bugante na kapag patuloy na binalewala ang nasabing isyu ay mapipilitan silang gumawa ng legal actions laban sa mga ito. - Rommel P. Tabbad

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente