Philadelphia 76ers' Joel Embiid, top, dunks against Charlotte Hornets' Michael Kidd-Gilchrist  (AP Photo/Matt Slocum)
Philadelphia 76ers' Joel Embiid, top, dunks against Charlotte Hornets' Michael Kidd-Gilchrist (AP Photo/Matt Slocum)

SACRAMENTO, California (AP) — Nakaiwas ang Cleveland Cavaliers, sa pangunguna ni Kyrie Irving na kumana ng 26 puntos, sa nakadidismayang tatlong sunod na kabiguan nang magapi ang host Kings, 120-108, Biyernes ng gabi (Sabado sa Manila).

Kumubra si LeBron James, nangunguna sa botohan para sa All-Stars starter, sa natipang 16 puntos at 15 assists, habang nag-ambag ang bagong miyembro na si Kyle Korver ng 18 puntos para maibalik ang wisyo ng defending NBA champion.

Nagsalansan si Kevin Love ng 15 puntos at 18 rebound para tuldukan ang two-game losing skid ng Cleveland bago makaharap ang karibal na Golden State Warriors sa Lunes (Martes sa Manila) sa Oracle Arena.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ito ang unang paghaharap ng magkaribal na koponan mula nang magtuos sa NBA Finals noong Hunyo.

Nanguna si DeMarcus Cousins sa Kings sa naiskor na 26 puntos at season-high 11 assist, habang tumipa si Rudy Gay ng 23 puntos.

TIMBERWOLVES 96, THUNDER 86

Sa Minneapolis, ibinasura ng Timberwolves ang ika-19 triple-double performance ni Russel Westbrook ngayong season sa dominanteng panalo kontra sa Oklahoma City Thunder.

Nagtumpok si Karl-Anthony Towns ng 29 puntos at 17 rebound, habang kumawala si Ricky Rubio para sa 14 puntos at 14 assist para sa ikatlong sunod na panalo ng Minnesota.

Nag-ambag si Andrew Wiggins ng 19 puntos, habang tumipa si Brandon Rush ng 11 para sa pinakamahabang winning streak ng Timberwolves ngayong season.

Kumana si Westbrook ng 21 puntos, 12 assist at 11 rebound, ngunit nagtala ng 10 turnover para sa Oklahoma City.

GRIZZLIES 110, ROCKETS 105

Sa Houston, naitala ni Tony Allen ang season-high 22 puntos, habang pumitas si Mike Conley ng 17 puntos para sandigan ang Memphis Grizzlies sa come-from-behind na panalo sa Rockets.

Naghabol ang Memphis ng 15 puntos na bentahe ng Houston sa third period tungo sa ikatlong sunod na panalo.

Nanguna si James Harden sa Houston, natamo ang ikalawang sunod na kabiguan matapos ang nine-game winning streak, na may 27 puntos at siyam na assist.

76ERS 102, HORNETS 93

Sa Philadelphia, kumana si Joel Embiid ng 24 puntos at nagtala ng tatlong blocked shot para sandigan ang Sixers laban sa Charlotte Hornets.

Nakamit ng Sixers ang ikatlong sunod na panalo, kauna-unahang sa prangkisa mula nang magtala ng apat na sunod sa 2013-14 season.

Nag-ambag si Dario Saric ng 15 puntos sa Philadelphia. Nanguna sina Nicolas Batum na may 19 puntos at Kemba Walker na tumipa ng 17 puntos para sa Charlotte.

Sa iba pang laro, binalian ng pakpak ng Boston Celtics ang Atlanta Hawks, 103-101; winasak ng Toronto Raptors ang Brooklyn Nets, 132-113; natulala ng Orlando Magic ang Portland TrailBlazers, 115-109; pinalamig ng Milwaukee Bucks ang Miami Heat, 116-108; at pinatulog ng Utah Jazz ang Detroit Pistons, 110-77.