ANIMNAPU’T anim na taon ang nakalilipas nang maganap ang Korean War noong 1950-1953 na kumitil sa 2.5 milyon katao at naging dahilan ng permanenteng alitan na humati sa bansa.

Bilang paggunita sa mga beteranong sundalo at mga bansang tumulong, nagtayo ang pamahalaan ng Korea ng mga bantayog at monumento na kumikilala sa kanilang mga sakripisyo at kabayanihan.

Ang isa sa mga monumentong itinayo ay para sa mga sundalong Pilipino na lumaban para ipagtanggol ang kalayaan at kapayapaan at nagbuwis ng buhay noong Korean War.

Nag-alay si Namo Kim ng mga bulaklak sa Monument for the Philippine Soldiers. Siya ay kasapi ng International Peace Youth Group (IPYG), at ang kanyang lolo ay isa sa mga sundalo noong Korean War na iniligtas ng isang sundalong Pilipino.

Aniya’y ito ang kanyang paraan upang maibalik ang kabutihan ng mga Pilipino sa kanyang lolo noong panahon ng giyera.

“The story described very horrible and awful moment which we could hardly believe today. No water to drink, no clothes to change, it was such a miserable situation. He even got a gunshot and was waiting for death. But he could survive miraculously because of the help of the Filipino comrade, he was always grateful for that,” aniya.

Kinikilala niya ang sakripisyo ng mga sundalong Pilipino para maipagtanggol ang kanilang pamilya, at nagpahayag ng kanyang malaking pasasalamat.

“Now it’s our turn to make a return for your family and the Philippines by achieving peace,” ani Kim.

Ang karanasan ng kanyang lolo sa giyera ang nagmulat sa kanyang mga mata para sumailalim sa kinakailangang military training sa layuning gawing adbokasiya ang kapayapaan sa kabataan.

“A Korean youth who must serve in the military for 2 years experiences the tragedy in which he has to be trained to point a gun and fight the same Korean race every day,” aniya.

Ayon sa kanya, upang matamo ang kapayapaan, kailangang yakapin ng kabataan ang diwa ng kapayapaan.

“I think it’s important that we constantly strive to pass down the peace to the next generation, not the war,” aniya.

Naniniwala siya na ang pagtataguyod ng kabataan sa kapayapaan ay magkakaroon ng ‘butterfly effect’ na magsisimula sa maliliit na gawa na ang ibubunga ay mahahalagang bagay. Kung sama-samang kikilos ang kabataan, ayon sa kanya, ay hindi na magiging imposible ang kapayapaan sa mundo.

“I think we can make a world of peace if the youths take a lead and work together to create the atmosphere of peace,” sabi niya.

Ang IPYG, na sangay ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light, ay organisasyon na nagsusulong ng kapayapaan sa mundo at ng pagtigil ng mga digmaan kasama ang 797 samahan sa 110 bansa. - PNA