Ibinasura ng Department of Justice (DoJ) ang unang inilabas na impormasyon na nagdidiin kay Iligan City Mayor Celso Regencia sa multiple murder at frustrated murder, na hawak ngayon ng Quezon City Regional Trial Court.

Dating hepe ng Iligan City Police Office, nakakulong ngayon si Regencia, na muling nahalal na alkalde ng siyudad noong Mayo 2016.

Ang kaso ay may kaugnayan sa pananambang kay dating Iligan City Rep. Vicente Belmonte, Jr. na ikinamatay ng tatlong tauhan nito sa Laguindingan, Misamis Oriental noong Disyembre 2014.

Inihayag ni Iligan City Vice Mayor Jemar Veracruz na kinatigan ng DoJ ang inihain nilang motion for reconsideration na nagbigay-diin na walang sapat na basehan ang government prosecutors para idiin ang alkalde sa nangyari kay Belmonte. (Beth Camia)

Probinsya

Lalaking drug pusher, ginawa umanong ‘punching bag’ kinakasama niya; timbog!