NAPABALITANG ayaw ng Gabriela na ganapin dito sa Pilipinas ang Miss Universe dahil ayaw nila ng beauty pageant. May report din na susundan nila ng protesta ang mga pupuntahan ng Miss Universe candidates.
Puwes, may babala sa Gabriela si Manny Castañeda at marami ang nag-agree sa post nito sa Facbook na, “Huwag na huwag ninyong gagalitin ang mga beki! Huwag! Laitin n’yo na si Duterte, Marcos at kung sinu-sino pa, pero huwag ang... Miss Universe! Alalahanin ninyo, sa kanila nakasalalay ang inyong buhok, mukha at panamit.
“Kung hindi ninyo gustong magmukhang mga manananggal habang buhay, huwag ninyong painitin ang kanilang ulo. Wala kayong kalaban-laban. Sure ako d’yan.”
Totoo ang sinabing ito ni Manny dahil ang mga beki ang number one fan ng mga beauty pageant. Hindi nga ba’t ‘pag may coverage ng Miss Universe o Miss World, kung hindi man sarado ang mga parlor, hindi muna sila tumatanggap ng customers dahil nanonood ng Miss Universe at Miss World at iba pang beauty pageant?
Ang mga beki rin ang pinakamalakas sumigaw ‘pag nananalo ang kandidata natin. (Nitz Miralles)
