Nahuli si John Jomel Siason, 37, nang salakayin ng NBI-Death Investigation Division (NBI-DID) ang mataong lugar sa Balintawak, Quezon City, nitong Miyerkules ng umaga.
Ayon kay Special Investigator III Robert Joey Ajero, naaresto ang suspek matapos makatanggap ng reklamo sa mismong hipag ni Siason, bitbit ang arrest warrant, at humingi ng tulong sa NBI noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Ajero na ang arrest warrant na bitbit ng nagrereklamo ay inisyu ng korte sa Caloocan noong Disyembre 2013.
Makalipas ang ilang araw na pag-iikot, natunton ng NBI-DID si Siason sa Balintawak.
Nagkaroon pa ng habulan sa pagitan ng suspek at ng mga awtoridad bago tuluyang naaresto ang una.
Ayon pa kay Ajero, naging mahirap ang pagtugis kay Siason dahil “he already gained the trust and friendship of the neighborhood and they know that he was on the run.”
Bukod sa kanyang hipag, hinalay din umano ni Siason ang dalawa pa niyang kaanak. (Betheena Kae Unite)