SANG'GRES NG 'ENCANTADIA' copy

TUWANG-TUWA ang Encantadiks sa inilabas na balita ng GMA Network na extended ang Encantadia. Ayaw pa kasi nilang magtapos ang fantaserye.

Katwiran ng patuloy na dumaraming nahuhumaling sa fantaserye, malayo pa ang puwedeng takbuhin ng kuwento ng mga Sang’gre at mabibitin ang pagsubaybay nila kung susundin ang nakatakdang pagtatapos nito ngayong Enero at kahit pa sa Pebrero

Ang balita nga namin, mas ikinatuwa ng cast, crew at lahat ng involved sa Encantadia ang good news ito dahil extended din siyempre ang kanilang trabaho. Ang nalungkot lang ay ang cast na pinatay na ang karakter, gaya ni Pancho Magno.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Ang problema lang, hindi sinabi ang eksaktong panahon ng itatagal ng extension ng Encantadia, basta extended ito.

Pinag-uusapan pa siguro ng management, headwriter na si Suzette Doctolero at Direk Mark Reyes kung hanggang saan pa puwedeng patakbuhin ang fantaserye.

Samantala, pagkatapos ni Wynwyn Marquez, si Cong. Alfred Vargas naman ang bagong karakter na papasok sa Encantadia.

Gagampanan niya ang papel ni Amaro, ama ni Aquil (Rocco Nacino). ‘Katuwa si Rocco dahil parang nagsusumbong kay Alfred sa tweet niyang, “Lagot kayo sa Daddy ko! Abangan si Amaro!”

Kasama rin si Alfred sa original na Encantadia bilang si Aquil. Sila ni Diana Zubiri sa role ni Danaya ang original na magka-love team at natatatandaan namin, marami ang kinilig sa kanila.

Anyway, masaya ang fans nina Alfred at Diana na magkasama na uli sila sa fantaserye. Hindi lang malinaw sa amin kung pagtatambalin ni Direk Mark sina Amaro (Alfred) at LilaSari (Diana). (NITZ MIRALLES)