Posible ang lalo pang pagbaba ng temperatura sa Northern at Central Luzon at nagyeyelong hamog sa matataas na bundok sa mga darating na mga araw dahil sa lalo pang paglamig ng hanging amihan.
“Latest available data indicate that amihan may re-intensify beginning Sunday (Enero 15) and affect such areas anew,” sabi ng weather forecaster na si Aldczar Aurelio ng PAGASA.
Bukod sa mas malamig na mga araw, posible ang nagyeyelong hamog sa kabundukan, sabi ni Aurelio, at nagpayo sa mga residente sa mga lugar na ito na paghandaan ang karamdaman sa baga na hatid ng malamig na panahon.
Nagbabala rin ang kagawaran ng agrikultura sa mga magsasaka laban sa nagyeyelong hamog na maaaring sumira sa kanilang mga panamin.
Sa huling pagtaya ng PAGASA, nasa forecast ang cooler-than-average temperatures sa Northern at Central Luzon ngayong buwan.
Inaasahan ng bureau na aabot sa 8.8°C ang lowest minimum temperature sa kabundukan ng Luzon. - PNA