Puspusan ang pagsasanay ni dating world rated Rogelio Jun Dolinguez sa kanyang nalalapit na laban sa walang talong knockout artist na si Shavkat Rakhimov ng Tajikistan para sa bakanteng WBC Eurasia Pacific Boxing Council super featherweight crown sa Pebrero 18 sa Traktor Sports Palace, Chelyabinsk, Russia.

Batid ni Dolinguez, dating WBO Oriental champion, na mahihirapan siyang manalo sa puntos sa nakabase sa Russia na si Rakhimov, ang huling dalawang tinalo sa stoppages ay mga Pilipinong sina Jerry Castroverde (RTD 4) at Roldan Aldea (KO) para makopo ang WBC Youth Intercontinental title.

Ngunit, beterano sa international fight ang 25-anyos na si Dolinguez na huling lumaban at nagwagi sa Las Vegas, Nevada via 6th round kay one-time world title challenger Giovanni Caro ng Mexico.

Sumabak din si Dolinguez sa apat na laban sa Mexico at natalo lamang sa mga kontrobersiyal na desisyon kina Mexican Gabriel Francisco Pina at ex-WBC at WBO bantamweight titlist Fernando Montiel.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May rekord si Dolinguez na 21-3-2, tampok ang 15 knockout, samantalang si Rakhimov na pawang sa Russia lumaban ay may perpektong rekord na 8-0, kabilang ang anim na knockout. - Gilbert Espeña