WALANG laro ang women’s defending champion De La Salle University sa opening day ng UAAP Season 79 volleyball tournament sa Pebrero 4 sa Smart-Araneta Coliseum.

Sa inilabas na iskedyul para sa first round elimination ng torneo, hindi kabilang ang Lady Archers sa apat na koponan na magbabangaan sa pagsisimula ng aksiyon.

Sisimulan ng Ateneo de Manila ang kampanya sa post-Alyssa Valdez era sa pakikipagtuos sa University of Santo Tomas Tigresses sa tampok na laro ng double-header sa 4:00 ng hapon.

Magkakasubukan naman ang National University Lady Bulldogs, sa pangunguna nina Jaja Santiagio at sumisikat na si Jasmine Nabor, kontra University of the East Lady Warriors sa 2:00 ng hapon.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa ipinamalas na katatagn sa pre-season club at school-based tournament, isa ang UST ni coach Kungfu Reyes na itinalagang matinding hadlang para sa title-retention bid ng Lady Archers sa pangunguna nina EJ Laure, Sis Rondina, Ria Meneses at ang nagbabalik na si Pam Lastimosa.

Nakatakda namang sumalang sa Pebrero 5 ang Lady Spikers sa larong gaganapin sa parehas ding venue kontra Far Eastern University sa tampok na laro ganap na 4:00 ng hapon pagkatapos ng unang laban sa pagitan ng Univeristy of the Philippines at Adamson ganap na 2:00 ng hapon.

Ang inaabangang pagtatapat ng nakaraang taong finals protagonists La Salle at Ateneo ay magaganap pa sa Marso 4 sa MOA Arena ganap na ika-4 ng hapon matapos ang tapatan ng FEU at UST. - Marivic Awitan