MEXICO CITY (AP) — Naitala ni Devin Booker ang career-high 39 puntos sa ikalawang sunod na laro sa Mexico City para sandigan ang Phoenix Suns kontra San Antonio Spurs, 108-105, nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nag-ambag si Eric Bledsoe ng 17 puntos at 10 assists para makabawi ang Suns sa kabiguang natamo sa Dallas nitong Huwebes.

Nanguna si Kawhi Leonard sa Spurs (31-9) sa naiskor na 38 puntos.

CLIPPERS 113, LAKERS 97

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa Los Angeles, hataw si DeAndre Jordan sa nakubrang 24 puntos mula sa 12-of-13 shooting para gabayan ang Los Angeles Clippers kontra sa Lakers.

Humugot din si Jordan ng 21 rebound, habang tumipa si Chris Paul ng 20 puntos at 13 assist para sa ikaanim, na sunod na panalo – pinakamatikas na simula mula nang maitala ang 7-0 noong 1974.

Kumubra si Jordan Clarkson ng 21 puntos para sa Lakers.

BULLS 107, PELICANS 99

Sa Chicago, ginapi ng Bulls, sa pangunguna ni Jimmy Butler na umiskor ng 28 puntos, ang New Orleans Pelicans.

Nag-ambag si Dwyane Wade ng 22 puntos.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Utah Jazz sa Orlando Magic, 114-107; tinalo ng Washington Wizards ang Philadelphia Sixers, 109-93.