Marahil ay hindi na nakayanan ng isang binata ang pakikipaglaban sa cancer matapos niyang tuluyang wakasan ang sariling buhay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Supt. Ariel Fulo, deputy chief of police ng Malabon, ang biktima na si Emiliano Ynieto, 58, ng No. 320 B-Custodio Street, Barangay Santulan ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong 4:00 ng hapon nadiskubre ni Rosita, 55, kapatid ng biktima, ang bangkay ni Emiliano na nakabigti sa loob ng kuwarto gamit ang nylon cord.

Kaagad umanong humingi ng tulong sa kanilang mga kapit-bahay si Rosita at pinagtulungang ibaba ang biktima para dalhin ospital ngunit patay na ito.

Nasa 1,000 tauhan ng BFP, sangkot sa ilegal na bentahan ng fire extinguisher!

Ayon kay Rosita, matagal nang nakikipaglaban ang kanyang kuya sa colon cancer at napapadalas ang pagiging aburido nito. (Orly L. Barcala)