CAMP MACABULOS, Tarlac City - Patay ang isang apat na taong gulang na babae matapos siyang aksidenteng mabaril sa ulo ng nakatatanda niyang kapatid habang naglalaro sila sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Francisco, Tarlac City, nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay SPO1 Aldrin Dayag, hindi na umabot nang buhay sa Holy Trinity Hospital ang biktima, habang nasa kustodiya na ng awtoridad ang anim na taong gulang na suspek.

Napag-alaman na dakong 8:47 ng gabi at naglalaro ang magkapatid nang kunin ng suspek ang homemade shotgun o sumpak na nasa ilalim ng kama, itinutok ito sa ulo ng biktima at ipinutok. (Leandro Alborote)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match